vendredi, septembre 16, 2005

ups, downs, lies and jokes

ups:

*balik tayo*


downs:

Image hosted by Photobucket.com


*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

women are not always known to be the most truthful creatures in this planet. but we are known to be good actresses. men may not know what lies beneath, but in our most confidential vicinity, we keep our deepest, most darkest secrets; we stash our antagonism and desires. women are hard to understand, yes indeed. and men are left with an enigma. check out this article, Lies Women Tell, by Ms. Shanidar Cabaraban, our very own social studies teacher!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

iba't ibang klase ng titser


1. mga tipong professor snape. mga gurong maxadong strikto at mayabang. gloomy manamit at bihira lang ngumiti (saka lang siguro pag nakita niya yung kasama niyang guro rin na ayaw naman xa). palagi kang tinatawag dahil nagbebend ka ng rules o kaya naman ay naiinis xa sa buhok mong parang sea urchin. kahit saang paaralan, may ganitong klase ng guro - na kinaaayawan ng mga estudyante. mas gusto pa nilang magkasakit at pumunta sa infirmary kesa sa makulong ng isang oras kay snape.

2. parkinson. mga titser na mahilig mamigay ng quiz. hanep!! halos bawat period na magkikita kayo ay 1/2 lengthwise kaagad na palagi niyang sinasabing short quiz eh para namang long quiz! maaaring blank map, capitals o mga lessons na di niyo pa naididiscuss and anything unexpected! at pag dumating ang long quiz, nanginginig ang mga estudyante na parang may sakit na parkinson. la ka nang magawa kundi bumagsak ng bumagsak ng bumagsak sa bawat quiz na ibibigay niya.

3. mga anghel na walang langit. mga gurong napaka-anghel ang mukha at pati sa pagtuturo ay napaka-soft magsalita na para talaga xang anghel. pero nasa impyerno pa rin dahil di naman nakikinig ang kanyang mga langya na estudyante. habang xa roon ay nagsasalita sa kung ano man ang dapat niyang ituro, ang mga demonyo at demonita naman ay nag-"chachat", kumakain ng hersheys o nagtetext. di naman xa maxadong nagbibigay ng quiz kaya di na lang sila nakikinig.

4. mga modelo (daw) ng vogue. mga gurong nananamit na parang may fashion week. mga tipong di nagsusuot ng uniporme (na kailangan naman talaga) at iba-iba ang sapatos (sandals, stilletos, kitten hills, etc.) na sinusuot araw-araw na parang si imelda marcos. ternong-terno ang damit galing sa susuuting earrings hanggang sa brooches at kung magsalita ay parang american girl.

5. nerd berd. di na nila kailangan ng libro o copy pag pumapasok sa eskwelahan dahil alam na nila lahat yun. at di na rin kailangan ng mga estudyanteng magdala ng aklat dahil LAHAT ay isusulat ng gurong ito sa pisara. problema na lang kung di ka nakinig o nagcopy ng notes dahil siguradong pang nerd rin ang ibibigay nyang quiz. kadalasan ay boring rin sila kasi habang nagtuturo o nagsosolve ay parang sarili lang nila ang kinakausap nila at tatawa na lang ng bigla. nagjoke na pala.

6. yadiyadiyadi. nagagamit ang isang oras sa pagsasalita ng iba't-ibang storya na wala namang gaanong koneksyon sa subject ng mga gurong ito. na habang nagtuturo sila ay di mapigilan na magstory ng mga nakakatawang storya o karanasan nito sa buhay. at pag sinabi nitong "i'll give you the details of the project 10 mins. before bell" eh makakalimutan pa rin dahil sa kakadaldal. hindi na rin xa nireremind ng mga estudyante kasi nakakaaliw naman ang storya nya. kaya kung may project, ilalagay na lang nya ang details sa bulletin board.

7. mga "sabay." sabay sa mga jokes ng mga estudyante, sabay sa kung ano man ang uso, ang gurong ito ay kaibigan ng lahat. halos buong eskwelahan kilala xa dahil xa nga ay friendly. gustong-gusto ng mga estudyanteng maging guro xa dahil naiintindihan nila ito. powerful ang style ng titser na ito na parang nakakarelate ka sa lahat ng sinasabi niya - kahit na chemistry pa ang subject o di kaya'y trigo - naituturo ng mga "sabay" ng maayos.

8. mga kenkoy. mga gurong mahilig magjoke - mapa-oneliner man o isang buong storya - napapatawa lahat ng mge estudyante (kahit mga ibang guro) sa mga jokes nya, kahit minsan ay korny. pero di parin nawawalan ng fokus sa lesson. sige pa rin sa pagtuturo kahit na may sabog na sa utak ang kanyang tinuturuan dahil sa katatawa. mejo mabait pero pag nagquiz ay di ka matutuwa...

may maidadagdag ba kayo??

yayam parked her beetle at 7:52 PM

0comments

0 comment/s

Enregistrer un commentaire

yayam 15 xuhs
exotic pretty girl from the south